Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Punong Kahoy ng Buhay
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami...
Tungkol sa
Kontrobersiyal o Ang Pinagtatalunang Reproductive Health Bill sa Pilipinas.
May 5, 2011
Ang sabi ni Maestro
Evangelista, upang maliwanagan ang lahat tungkol sa pinag-uusapang Reproductive
Health Bill o ang Republic Act No. 10354 sa Pilipinas, ang batas na ito kung
maipapasa sa Kongreso ay magdudulot ng garantisado at malawak na paraan sa
kaalaman sa mga iba't-ibang paraan ng hinggil sa pagsupil ng pagdami ng anak at
pag-aalaga na nauukol sa ina.
May mga
sumusuporta at may mga nakikipagtalo sa RA 10354. Ang nilalaman ng panukalang ito
ay kontrobersiyal kaya't nahati ang lipunang Pilipino at ang Catholic Bishops
Conference of the Philippines ay nagbanta na ekskumulgahin o ihiwalay sa
iglesya ang Presidente, si Benigno Aquino III kapag kanyang
sinuportahan ang panukala. Kaya ang Simbahang Katolika Romana sa Pilipinas ay
nakadagdag pa sa pagkabahabahagi ng mga tao.
Mahigpit
na tinututulan ng Simbahang Katolika Romana ang pagpasa ng panukala sa dahilan
na ito raw ay salungat sa kautusan ng Dios na "Kayo'y magpalaanakin, at
magpakarami" na mababasa sa Banal na Aklat.
Ipapaliwanag ni Maestro Evangelista kung ano ang sinabing
tunay ng Dios sa Aklat ng Genesis sa Banal na Aklat:
At nilalang ng
Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya
nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.
At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y
magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin;
at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa
himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
Genesis 1:27-28 (TAB)
Oo,
nilikha ng Dios ang lalaki at babae at sinabihang ""Kayo'y magpalaanakin, at
magpakarami" at "kalatan ninyo ang lupa." Nguni't, nakalimutang
sabihin ang sumunod na sinalita ng Dios sa "Kayo'y magpalaanakin, at
magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa." na sinalita ng Dios na: "at
inyong supilin."
Sinabi
ng Dios na magpakarami tayo, na kalatan ang buong mundo, nguni't sinabi rin Niya
na "supilin" ito - ibig sabihin huwag lubhang paramihin. Hindi natin dapat
tawasin o sirain ang kalikasan o ang kapaligiran sa pagkatig o pagpapakain ng
ating bilang. Dapat nating kontrolin at balansihin ang ating dami sa makakaya ng
kalikasan o kapaligiran upang tayo ay mabuhay sa mapapakinabangan likas na yaman:
pagkain, tubig, tirahan, at iba pang mga pangangailangan upang ang sangkatauhan
ay makapamuhay ng masagana at mabuting pamumuhay. Kahit sa panahon ng sa Halaman
nng Eden, itinuro sa atin ng Dios ang pangangailangan ng pagkontrol o pagsupil
ng ating pagdami sa makakayang antas.
Ito ang
"karunungan at kaunawaan" ng Dios!
Sa may hangganang likas na yaman sa mundo, ang lubhang pagdami
ng populasyon ay makakasama o makakabawas sa kakayahan na maibalik ng mundo ito.
Kung patuloy nating dudumihan at uubusin ang likas na yaman ng mundo, darating
ang panahon na hindi na kakayanin ng mundo ang magbigay ng buhay pa.
Sa ibang
talata mula sa Banal na Aklat, pinaalalalahanan na tayo ni Haring Solomon:
Kung ang isang
tao ay magkaanak ng isang daan, at mabuhay na maraming taon, na anopa't ang
mga kaarawan ng kaniyang mga taon ay dumami, nguni't ang kaniyang kaluluwa
ay hindi mabusog ng mabuti, at bukod dito ay wala siyang pangpalibing; aking
sinasabing maigi ang isang naagas kay sa kaniya:
Ecclesiastes 6:3 (NIV)
Ang sabi niya na kahit ang isang tao ay masaya sa pagkakaroon ng maraming anak,
hindi naman niya makapakain ng sapat silang lahat at magkaroon ng maayos na
pamumuhay (na totoo rin sa ating panahon) mas mabuti pa raw na hindi na
ipinanganak ang mga ito! Ipinanganak tayo dito sa mundo upang danasin ang
kasaganaan ng mundo. Ang mamuhay ng mahirap dahil sa dami ng mga bibig na dapat
pakainin, ay isang pabigat na hindi makakapagbigay ng mabuting pamumuhay na
dapat danasin ng sinoman.
At sa
ating matutunan sa sinalita ni Haring Solomon, inulit niya na kailangan nating
supilin ang paglaki ng ating populsyon sa dami rin ng mga likas na yaman at
teknolohiya upang mabuhay sa mundo. Kahit na sa dami ng pagkain nagagawa, ang
lupa ay matitigang dahil sa palagiang paggamit. Kaya ang isang kasabihan ay: "Ang
lupaing pinagpapahinga, masagana ang aanihin."
Ngayon, ang paglaban ng Simbahang Katoliko sa RA 10354 ay nagpapakita lamang ng kanilang pagiging walang alam sa katotohanan na ang
panukalang iyon ay tunay na sumusunod sa isa sa mga kaunaunahang kautusan ng
Dios! Nilalabana nila ang kautusan ng Dios!
Ito ang maghahayag sa lahat na ang posisyon ng Simbahang Katoliko
ay hinggil sa panukalang ito ay salungat sa Kautusan ng Dios and hindi nila
gustong umunlad at maging masagana ang kinabukasan ng Sambayanang Pilipino.
Bumalik sa
Itaas.
Bumalik sa:
Unang Pahina ng Filipino Version ng
www.thename.ph
Unang Pahina |
Unang Bahagi |
Ikalawang Bahagi
|
Ikatlong
Bahagi | Ikaapat na Bahagi
|
Ikalimang Bahagi
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|